List of Services (Tagalog)

Kayo po ba ay nagbabalak mamuhunan sa lupa? O kaya’t meron po kayong namanang ari-arian na gustong ibenta? Kung may mga tanong o dilema po kayo ukol sa REAL ESTATE, maaaring makatulong po kami.


BUYING / ACQUISITION OF PROPERTY

Mas maganda bang mamuhunan sa isang condominium unit kumpara sa isang house and lot? Saang lugar kaya ang may mga houses or lots for sale na abot kaya ang presyo? Kung gusto niyo pong makasigurado sa property na pupuhunan niyo, sulatan o email niyo lang po kami para kami ay makatulong sa inyo agad.

SELLING / SALE OF PROPERTY

Kung meron po kayong property na gustong ibenta o iparenta, maaari pong alalahanin ninyo na hindi madali sa panahong ito na makahanap ng buyer na mapagkakatiwalaan. Kung gusto niyo pong makasigurado sa presyo at buyer, kami po ay makakatulong dito.


PROPERTY INVESTMENT ASSISTANCE

Maraming paraan para tayo po ay kumita sa ating pinuhunan na lupa. Meron po tayong tinatawag na “rental income” at meron ding tinatawag na “lease”, kung saan tayo ay maaaring bayaran sa paraan ng “lump sum payment”. We are just one email away kung meron kayong mga tanong ukol dito.


REFERRAL PROGRAM

May kakilala po ba kayong gustong mamuhunan o kaya’y magbenta ng kanilang lupa? Kapag sila ay ni-refer ninyo sa amin, maaari kayong kumita ng kumisyon.

TRANSFER OF OWNERSHIP

Matagal na proseso ang transfer of ownership. Kahit na po ang lupa ay ipapamana niyo lang po sa inyong kamag-anak, madami pa din pong papeles ang kailangan niyong ayusin para dito. Kung sa tingin niyo po ay wala kayong oras para dito, makakatulong po kami sa pagkakataon na ito.

ESTATE SETTLEMENT

Kapag ang isang tao ay magmamana ng lupa, alam niyo po ba na kailangan po niyang magbayad ng malaking ESTATE TAX sa gobyerno para makamit ito? Pwede niyo po ito iwasan sa pamamaraan ng ESTATE SETTLEMENT. Paki email lang po kami para malaman niyo paano matitiyak na ang mga mahal niyo sa buhay ay hindi magkakaproblema sa kanilang mana.

REAL ESTATE BACK TAXES ASSISTANCE

Up to date po ba kayo sa pagbayad ng mga buwis sa lahat ng inyong ari-arian? Malaki po ang multa pag hindi ninyo ito inasikaso. Contact us kung gusto niyo pong makasiguro hinggil sa real estate taxes. 


REAL ESTATE MANAGEMENT

Kung kayo po ay naghahanap ng makakapagkatiwalaan na real estate manager o landlord para sa inyong mga lupa, kami po ay makakatulong dito. Our company has years of professional experience to offer at higit sa lahat, kumprehensibo po ang inaalok naming serbisyo. Maari kaming tumulong sa paghanap ng ideal tenants, sa rental collection, property maintenance and management, at sa pagbayad ng buwis. Matitiyak namin wala po kayong ikababahala dahil madami na pong taon namin itong ginagawa.

No comments:

Post a Comment

Pages